SUPORTA PARA SA MACAPUNO RESEARCH, ISINUSULONG NG DOST CALABARZON

Ella Mae F. Villena

Bagama’t mayroon nang kilalang produkto na gawa sa coconut sport o kilala sa tawag na “macapuno”, ang Department of Science and Technology sa Calabarzon (DOST 4-A) ay naghahanap ng higit pang suporta para sa macapuno research and development (R&D), sa paniniwalang marami pang produkto ang kayang gawin mula rito.

Ayon kay DOST 4-A Director Emelita Bagsit, nais ng ahensya na magkaroon ng nakatutok na R&D para sa Macapuno upang makagawa ng mga produktong may mataas na halaga. Dagdag pa nito, makakatulong rin na mas mapaunlad pa ang gamit sa macapuno bukod sa mga candies at preservation.

“Macapuno is very promising since it has a component called galactomannan that has health and industrial use,”ayon kay Bagsit. Nabanggit din ng direktor na ang mga tao ay pamilyar sa macapuno bilang isang produktong pagkain, ngunit bukod dito ay maraming gamit sa macapuno na mataas ang halaga, tulad ng nutraceutical at maging sa cosmetics.

Nais ng DOST 4-A na pagbutihin ang kamakailang naitatag na macapuno R&D center na matatagpuan sa isa sa mga gusali ng Cavite State University (CvSU). Pinondohan ng DOST 4-A ang center na ito, ngunit nais ni Bagsit na makakuha ng Niche Centers in the Regions for R&D (NICER) program funding, pati na rin ang pondo mula sa Coco Levy fund, para sa center na ito.

Inilunsad noong 2017, ang programang NICER ng DOST ay naglalayon na pabilisin ang pagiging competitive ng industriya, sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga Higher Education Institutions (HEI) sa buong bansa na gumawa ng makabuluhang pananaliksik.

“Should there be a NICER on macapuno, it would mainly focus on R&D on agricultural production; and food and non-food products processing, including innovative nutraceutical products,” ayon kay Bagsit.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s