CAVITE 7TH DISTRICT REPRESENTATIVE BOYING REMULLA, TINANGGAP NA ANG ALOK NA MAGING JUSTICE SECRETARY

📷 Boying Remulla Facebook Page

Ira Claire E. Marasigan

Kinumpirma ni Jesus Crispin “Boying” Remulla ang pagpapaunlak niya sa nominasyon bilang kalihim ng Kagawaran ng Hustisya sa ilalim ng paparating na administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ika-23 ng Mayo.

Sinabi ni Remulla sa isang panayam na hindi siya nag-apply para sa posisyon subalit ninanis ito ni President-elect Bong Bong Marcos.

Binanggit rin niya na maaaring magdaos ng special election o magtalaga ng mamamahala sa kanyang distrito sapagkat wala siyang kalaban noong nakaraang eleksyon.

Ayon kay Remulla, ang una niyang pagtutuunan ng pansin bilang kalihim ay ang estado ng iiwanang War on Drugs kasalukuyang administrasyon.