658 NA KILO NG CAMPAIGN MATERIALS MULA SA OPERATION: BAKLAS, NI-RECYCLE

📷 PIO Batangas City

Ysabelle Anne Sibi

Makalipas ang 2022 elections, umabot sa 658 kilo ang tarpaulin ng mga kandidato na nakolekta at pinaplanong gawing eco bags ng mga kooperatiba at Rural Improvement Club (RIC).

📷 PIO Batangas City

Matapos magsagawa ang General Services Department (PSMU at GSM) ng Operation: Baklas sa mga barangay upang ipunin ang naiwang campaign materials, dinala ito ng apat na trak papunta sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) upang mai-recycle at mapagkakitaan.

Pinangasiwaan ng Home Extension Division ang nagaganap na pamamahagi ng mga nakuhang tarpaulin sa hangaring magamit itong materyales upang makagawa ng iba’t ibang kagamitan.