DA CALABARZON PINATUNAYANG EPEKTIBO ANG ORGANIKONG PATABA SA PAGSASAKA

📷 Department of Agriculture RFO 4-A

Ella Mae F. Villena

Upang maipaalam sa mga magsasaka na ang organikong pataba ay safe, healthy at kapaki-pakinabang, nagsagawa ng isang Harvest Festival ng tanim na ‘pak choy’ ang Department of Agriculture Region IV-CALABARZON (DA-4A) sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station (LARES), Batangas kaugnay ng paggamit ng Organic Soil Amendment (OSA) derby kahapon, ika-23 ng Mayo, 2022.

“Ang harvest festival na ito ay magiging patunay na mabisa ang organikong pataba at makakatulong ito sa ating magsasaka upang maging balanse ang paglalagay ng kanilang pataba,” ayon kay Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS) Director Dr. Vivencio Mamaril.

Ayon naman kay LARES Chief Gng. Virgilia Arellano, patuloy na isusulong ng LARES ang iba pang pananaliksik katulad ng organikong pataba at upang mabigyang pansin rin ang organikong pamamaraan ng pagsasaka.

Sa kabilang banda, gagamitin ng DA ang evaluation ng ginanap na harvest festival bilang basehan kung isusulong ang paggamit ng organikong pataba sa pagsasaka.