DOST CALABARZON, NAGBIGAY NG TULONG SA TINGLOY

Ira Claire E. Marasigan

Ibinahagi ng pangrehiyong sangay ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga siyentipiko at teknolohikal na interbensyong iniabot nila sa bayan ng Tingloy, Batangas, ika-23 ng Mayo.

Nagtungo ang DOST CALABARZON sa isla noong ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo dahil ito ay benepisyaryo ng Community Empowerment thru Science and Technology (CEST) bilang isa sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Para sa pangkalusugang tulong, nagkalimbang ng mga timbangan sa mga healthcare center, sinubaybayan ang paggamit ng RxBox Telemedicine Device sa mga Rural Health Unit, at nag-ensayo ng mga Barangay Nutrition Scholars tungkol sa DOST Package for the Improvement of Nutrition of Young Children (PINOY). Pinangunahan ito ng DOST – Food and Nutrition Research Institute.

Samantala, nagsagawa ang kagawaran, kasama ang University of the Philippines Los Baños (UPLB) ng teknolohikal na pagsasanay tungkol sa Coconut-based Products Processing.

Naglagay rin ng Automatic Rain Gauge sa lugar.

Pinag-aaralan naman katuwang ang DOST – Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) at Department of Agriculture (DA) Region 4A ang potensyal ng Barangay Maricaban para sa fish farming at Barangas San Jose para sa magsasapuwesto ng pasilidad para sa irigasyon na patatakbuhin ng solar na enerhiya.