MGA BAGONG DATING NA RESCUE SPEEDBOAT SA GENERAL NAKAR, IPINASILIP

📷 PIA Quezon

Ysabelle Anne Sibi

Magagamit na ng lokal na pamahalaan sa General Nakar ang mga bagong dating na Rescue Speedboat na ipinakita ng General Nakar Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para sa kanilang mabilisang pag aksyon sa panahon ng sakuna at kalamidad.

📷 PIA Quezon

Tagumpay ngayong Mayo 24 ang ginanap na ‘sea trial’ sa Little Beach, Brgy. Pamplona para sa mga makinarya.

Ayon naman sa Facebook post ng General Nakar MDRRMC, maaasahang sapat at kumpleto ang mga materyales at kaalaman para sa agaran at maayos na pagresponde sa mga emerhensiya.