NHCP, NAGBIGAY-KAALAMAN TUNGKOL SA PAMBANSANG WATAWAT

Screenshots by Ira Claire E. Marasigan

Ira Claire E. Marasigan

Katuwang ang Laguna Tourism, Culture, Arts, and Trade Office, idinaos ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Di Ka Pasisiil, isang webinar tungkol sa mga batas ukol sa watawat ng Pilipinas gamit ang Facebook Live, ika-24 ng Mayo.

Punong tagapagsalita si Juan Paolo M. Calamlam, ang Senior History Researcher and Head of Heraldry Section ng NHCP. Itinuro niya ang tamang paggamit ng watawat alinsunod sa Republic Act (RA) No. 8491, o ang Flag and Heraldic Code of the Philippines.

Screenshots by Ira Claire E. Marasigan

Sinundan naman siya ni Benito L. Canlas, ang Leader Trainer of Boy Scouts of the Philippines,  na siyang nagbahagi tungkol sa tamang pagbabaon ng bandila kung sira at hindi na maaaring gamitin.

Ang webinar ay bahagi rin ng paggunita ng National Flag Days at ng nalalapit na ika-124 na anibersaryo ng Philippine Independence Day. Dinaluhan naman ito ng mga estudyante at empleyado mula sa iba’t ibang paaralan at ahensiya ng gobyerno sa buong bansa.