BATANGAS NAGHIGPIT SA PAGPASOK NG MGA POULTRY, NON-POULTRY BIRDS BILANG PAG-IINGAT SA AVIAN FLU

📷 Batangas PROVET

Marlon Luistro

Lungsod ng Batangas – Simula noong ika-1 ng Hunyo ay naghigpit na ang lalawigan ng Batangas sa pagpasok ng mga poultry at non-poultry na mga ibon sa lalawigan.

Yan ay bilang pag-iingat na rin laban sa pagkalat ng Avian influenza.

Sa inilabas na Executive Order 2 ni Gobernador Hermilando Mandanas, magpapatupad ng 21 araw na temporary ban sa pagpasok sa probinsya ng mga ready to lay (RTL) pullets, hatching eggs, at lahat ng uri ng spent hens, gamefowls, ducks, quails, piegons at iba pang non-poultry na ibon.

Ipagbabawal din muna sa loob ng nasabing panahon ang pagpasok ng transport carriers para sa live culls at poultry manure.

Samantala, para mapaigting ang mga hakbang sa pagpigil sa pagpasok nag avian flue, ang lahat ng shippers na magdadala o daraan sa probinsya ng Batangas ng domestic at capture wild birds, poultry products at by-products ay kinakailangan munang magfill-up ng Google form na pinamagatang “Notice to Bring in Poultry Commodities.”

Yan ay para matiyak na lahat ng shipments ay matuntunton at mairerecord sa provincial animal checkpoints.

Tatanggapin ang aplikasyon para sa same-day shipment mula alas-8 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi lamang. Yan ay para bigyan ng panahon ang pagpapakalat ng impormasyon sa lahat ng provincial animal checkpoints at local veterinary at agriculture officers.

Magkakaroon din ng poultry lane sa ilang mga piling animal checkpoints sa probinsya para matiyak na lahat ng poultry, poultry products at by-product shipments na papasok sa probinsya ay maayos na maidodokumento at maiinspeksyon.

Ipinagbabawal din ang pagpapastol ng mga itik habang nasa ilalim ng proklamasyon ng avian influenza outbreak sa bansa. Ang nasabing ban ay aalisin ng Department of Agriculture oras na maideklarang avian influenza free ang bansa.

Samantala, lahat ng poultry facilities ay inaatasang magpatupad ng mahigpit na biosecurity measures sa loob ng farm.

Primerang tututukan aniya ang pagpigil sa pagkalat ng kontak sa domestic at wild o migratory birds.

Ang pag-aalaga ng mga itik kasama ang iba pang livestock at poultry species ay dapat aniyang iwasan.

Lahat ng papasok na livestock at poultry carriers ay kinakailangang dumaan sa provincial animal checkpoints para sa tamang inspeksyon ng mga kalakal at disinfection ng sasakyan.