BINATILYO NALUNOD SA ILOG SA LAGUNA

Ylou Dagos

Nasawi ang isang 16-anyos na estudyante matapos na malunod sa ilog sa Brgy. Lambac, Pagsanjan, Laguna Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Luigi Banagua Eusebio

Ayon sa report ng Pagsanjan police, dakong alas 4:00 ng hapon ng Biyernes, kasama ng biktima ang kanyang apat na pinsang lalaki nang maligo ang mga ito sa Pagsanjan river.

Hindi sinasadyang napapunta ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog at lumubog.

Tumawag na ng rescue team ang mga pinsan at hinanap ang biktima subalit hanggang sa inabot ng gabi ay hindi ito natagpuan.

Pansamantalang itinigil na rin ang search and rescue operation dahil sa zero visibility na ang ilog.

Sabado ng umaga nang ipagpatuloy ang paghahanap at saka natagpuan ang wala ng buhay na katawan ng biktima.