AUDITION PARA SA SAN JUAN DANCE GROUP, ISASAGAWA

📷 Tourism of San Juan, Batangas Facebook Page

Denise Abante

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng San Juan sa Batangas, pormal nang isasagawa ang audition para sa Culture and the Arts Performing Dance Group ng naturang bayan.

Ito ay upang bigyang daan ang talento ng kabataang San Juaneño at maipakita ang kanilang tikas at galing sa larangan ng pagsasayaw.

Isasagawa ang audition sa San Juan Municipal Gymnasium sa June 13-14, 2022.

Inaasahan ng LGU San Juan ang pakikiisa ng bawat mamamayan lalong lalo na ang mga kabataan sa gaganaping audition para maging cultural ambassador at miyembro ng Inaugural San Juan Dance Troupe.

Para sa iba pang impormasyon, mangyaring bisitahin lamang ang Tourism of San Juan, Batangas Facebook Page o di kaya’y magtungo mismo sa munisipyo ng San Juan

Narito rin ang registration link para sa mga nagnanais sumali sa naturang audition: https://forms.gle/m5CyqLKc9WTNrLBUA.