KAPATID MENTOR ME-MONEY MARKET ENCOUNTER ONLINE PROGRAM MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

📷 DTI Quezon Province

Vanessa Gonzales

Pinaunlakan ng Department of Trade and Industry (DTI) Quezon Provincial Office, DTI Region IV-A ang Kapatid Mentor Me-Money Market Encounter (KMME-MME) Online Program para sa Multi-sectoral Batch 2 na may temang “Module 9B: Market Expansion and Internalization” nitong Hunyo 2, 2022, katuwang ang Go Negosyo Mentor at Creative Collaborator ng Creativly Studio na si Ms. Rachelle Cerera-Leones.

Pinasimulan ang session ni DTI Quezon Trade-Industry Development Specialist at KMME Focal Person na si Ms. Jaryz Eden J. Lloce sa pamamagitan ng isang diskusyon sa pagbabahagi ng ideya gamit ang Ansoff Matrix, isang kasangkapan sa estratehiyang pagpaplano. Tinalakay din ang bawat kategorya, kasama ang market penetration, market expansion, product development, and diversification. Ang diskusyon ay natapos sa pamamagitan ng pagbahagi ni Ms. Jaryz ng video ng mga negosyo na matagumpay na ngayon, na dati ring dumalo ng KMME Program.

Inaasahang ang huling module ay isasagawa sa nalalapit na Hunyo 7, 2022 na may temang “Module 10: Good Governance and Ethics.” Ito naman ay susundan ng Government Services Forum sa Hunyo 10, 2022.

Pinaaalalahanan ang mga dumalo sa programa nang kanilang deadline para ipasa ang Business Improvement Plan (BIP) draft bago ang coaching session sa loob ng dalwang (2) lingo.