PAGBIBIGAY NG BAKUNA SA MGA RESIDENTE NG CUENCA, ISASAGAWA SA IKA-7 AT IKA-9 NG HUNYO

Maria Katrina E. Garcia

Magsasagawa ng pamimigay ng bakuna kontra COVID-19 bukas, June 7, sa bayan ng Cuenca. Magaganap ito sa Municipal Gymnasium mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Kabilang sa target na mabakunahan ang mga may edad na 12 hanggang 17 (1st dose, Pfizer), 18 at pataas (1st dose, deferral, at 1st booster, Sinovac & Pfizer), mga Medical frontliners, Senior Citizens, Barangay Health Workers at Barangay Health Emergency Response Teams na may atleast apat na buwang pagitan mula sa kanilang unang booster (2nd booster, Pfizer), maging ang mga kabilang sa A3-Immunocompromised na may atleast 3 buwang pagitan mula sa kanilang ika-unang booster (2nd booster, Pfizer & Sinovac).

Dagdag pa dito, magkakaroon din ng pagbibigay ng bakuna sa mga batang may edad na lima hanggang labing-isa na nabakunahan noong ika-19 ng Mayo (2nd dose, Pfizer), pati na rin ang may edad na lima hanggang labing-isa na tatanggap ng kanilang 1st dose at deferral (Pfizer) sa darating na ika-9 ng Hunyo na gaganapin mula alas otso hanggang dose ng tanghali sa Municipal Gymnasium.

Pinapaalalahanan ang lahat ng dadalo na magdala ng sariling ballpen at panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield at ang pagobserba sa social distancing.