1ST EKSTRA-BONGGANG ALAGA PET SHOW, ISASAGAWA SA LIPA CITY

Alynna Marie Calayag

Isasagawa sa unang pagkakataon ang Ekstra-Bonggang Alaga Pet Show bilang bahagi ng pagdiriwang ng 75th Cityhood Anniversary ng lungsod kung saan eksklusibong makasasali ang mga residente ng Lipa at kanilang mga alagang hayop na gaganapin sa Lipa City Hall Grounds, Hunyo 15, 2022 sa ganap na ika-8 ng umaga.

Kabilang sa mga kategoryang paglalaban ang Best Dressed Pet sa Pooch Fashionista at Posh Pussy Category, Cutest Pet Category at Malu-Pet Award (Pet-Furrent look-a-like).

Perang gantimpala, trophy o ribbon naman ang maaaring makamit ng mga magwawagi sa bawat kategorya.

Pinaalalahanan naman ang mga Lipeño na interesadong sumali na basahin ang panuntunan at maparehistro sa mga link ng bawat kategorya.

Posh Pussy Category – bit.ly/LipaPoshPussy

Pooch Fashionista Category – bit.ly/LipaPoochFashionista

Cutest Pet Category – bit.ly/CutestPetCategory

Malu-Pet Category – bit.ly/MaluPetAward