50,000 BIGHEAD CARP, PINAKAWALAN SA LAGUNA LAKE

šŸ“· BFAR REGION 4A

Tricia Mirambil

Inilunsad sa Los BaƱos City, Laguna ang Programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) nitong ika-3 ng Hunyo.

50,000 piraso ng semilya ng Bighead Carp ang inihulog sa Laguna Lake o Lawa ng Laguna na nasasakupan ng mga bayan ng Pangil, Siniloan, Paete, Pakil, at Kalayaan Laguna. 10,000 na piraso ng semilya ang inilaan sa bawat bayan.

Naging matagumpay ang nasabing programa sa tulong at pangunguna ni Regional Focal Person Nenita S. Kawit ng Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station, kasama at katuwang ang Provincial Fisheries Office ng Laguna at mga lokal na pamahalaan ng ibaā€™t-ibang bayan.

Layunin ng Programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL) ang maisaayos at maibalik sa magandang kundisyon mga lawa, ilog, dam, at reservoir. Hangad din nila na maparami ulit ang mga ā€˜indigenousā€™ na isda upang tuloy-tuloy ang kontribusyon sa suplay na pagkain at mabigyang halaga at maalagaan ang yamang kalikasan ng Laguna City at ng bansang Pilipinas.