800 RESIDENTE NG MALVAR NAKINABANG SA MEDICAL AT DENTAL MISSION NG PCG

📷 Philippine Coast Guard

Maria Katrina Garcia

Isang joint medical at dental mission ng Philippine Coast Guard (PCG) Medical Service at ng PCG Auxiliary (PCGA) ang isinagawa noong ika-5 ng Hunyo kung saan tinatayang nasa walong daang residente ng Malvar, Batangas ang nabigyan ng serbisyo.

Minor surgery/circumcision, tooth extraction, at eye check-up ang ipinagkaloob sa mga residente ng Malvar. Nagkaroon din ng pagbibigay ng back-to-school supplies para sa mga bata.

“Noong ginawa ng Panginoon ang tao, isa lamang po ang purpose. Isa lang ang dahilan. For this man to be happy and for this man to make other people happy. Today, the municipality of Malvar and the Philippine Coast Guard are indeed very grateful, because in our midst today are God’s beautiful creations who are wanting to help our fellow Malvareños,” pahayag ng PCG Commandant na si Coast Guard Admiral Artemio Abu.

Nagpaabot siya ng kaniyang pasasalamat sa PCGA, Chinese General Hospital, Manila Chinese Action Team (MCAT), Philippine National Police (PNP), at pati na rin sa Municipal Mayor ng Malvar na si Mayor Cristeta Cuevas Reyes sa pagsuporta sa naturang event.