CERTIFICATE OF ELIGIBILITY OF LOT AWARDS IGINAWAD SA TAAL EVACUEES

📷 PIA Batangas

Denise Abante

Isinasagawa ngayong araw, Hunyo 7, ang awarding ceremony para sa Certificate of Eligibility of Lot Award (CELA) and financial assistance for the installation of house wiring para sa mga Taal evacuees na naninirahan sa Sea Breeze Residences sa Brgy. Talaibon sa bayan ng Ibaan.

Ang naturang dalawang aktibidad ay hatid na tulong at suporta para sa mga pamilya na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal, na kasalukuyang naninirahan sa Sea Breeze Residences.

May 140 pamilya na nabigyan ng CELA habang 99 ang nabigyan ng financial assistance para sa installation ng house wiring.

Nauna nang nakapagkaloob ang National Housing Authority ng 10 CELA noong Marso 2022.

Sa kasalukuyan, may 585 pamilya ang nakatira dito na lahat ay galing sa Taal Volcano Island at naging biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero 2020.

Naging bahagi ng programa sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, na kumatawan kay Gov. DoDo Mandanas, Provincial Social Welfare and Development Office head Jocelyn Montalbo, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer head Joselito Castro, Ibaan Mayor Joy Salvame, at mga katuwang na national at local agencies.