CHESS TOURNAMENT PARA SA MGA BATA ISASAGAWA SA ALITAGTAG

šŸ“· Mayor Edilberto “Dingdong” Ponggos

Maria Katrina E. Garcia

Sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Alitagtag, isasagawa ang Alitagtag Chess Tournament na bukas para sa lahat ng batang AlitagtagueƱo na may edad na 14 at pababa.

Magaganap ito sa dika-12 ng Hunyo, araw ng linggo, sa munisipyo ng Alitagtag at magsisimula sa ganap na 8:00 ng umaga.

Layunin ng nasabing torneo na maipamalas ang natatanging kakayahan at talino ng mga kabataang AlitagtagueƱo pagdating sa larangan ng chess at upang makabuo ng isang grupo na makakapagpaunlad ng kanilang talento.

Sa mga AlitagtagueƱo na nais lumahok, maaring magpalista sa numerong 09284902413 hanggang ika-10 ng Hunyo, araw ng Biyernes. Para sa iba pang mga katanungan, maari din kontakin ang nabanggit na numero.