CONSTRUCTION WORKER PATAY MATAPOS MATABUNAN NG GUMUHONG LUPA SA LIPA CITY

Marlon Luistro

Patay ang isang 20-anyos na construction worker makaraang matabunan ng gumuhong lupa sa ginagawang drainage kanal sa Barangay Marawoy, Lipa City, Batangas nitong Linggo ng madaling araw.

Nasawi sa aksidente ang biktimang kinilalang si Jay Vincent Asada.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas-3 ng madaling araw, naghuhukay lamang at nagtatanggal ng lupa ang biktima gamit ang pala sa may apat na metrong lalim na hukay sa tabing kalsada.

Sa kasamaang palad ay bigla na lang gumuho ang lupa at natabunan ang biktima.

Ayon sa saksi, sinubukan pa ng biktimang umahon pero hindi niya kinaya hanggang sa tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.