ISANG LIBONG UNITS NG DUGO, TARGET MALIKOM NG DOH IV-A NGAYONG HUNYO

📷 Philippine Information Agency Calabarzon Facebook Page

Denise Abante

Kasabay ng pagdiriwang ng “World Blood Donor Day 2022” (WBDD 2022), isasagawa ng Department of Health- Center for Health Development CALABARZON (DOH CHD CALABARZON) ang serye ng mga blood donation activities ngayong buwan ng Hunyo na may temang “Donating blood is an act of solidarity. Join the effort and save lives”.

Nagsimula nitong Hunyo 2 ang proyekto sa Mulanay, Quezon na susundan ng apheresis donation drives sa DOH CHD4A Regional Ofice, QMMC Compound, P. Tuazon at Project 4, Quezon City sa Hunyo 10.

Ayon kay DOH IV-A Regional Director Ariel Valencia, parte ng kanilang mandato na mangolekta o mag- imbak ng malinis na suplay ng dugo na magagamit ng mga Pilipinong mangangailangan nito.

“Providing safe and adequate blood supply through blood donation activities should be a fundamental part of every country’s National Health Care Policy. Matutugunan nito ang malaking pangangailan ng dugo sa ating bansa, dahil tanging dugo lang din ang kapalit kapag kailangan kayong salinan,” dagdag ni Valencia.

Ang mga makokolektang dugo ay ido-donate sa mga ospital na benepisyaryo ng programa, tulad ng General Emilio Aguinaldo Memorial (GEAM) Hospital, Philippine General Hospital (PGH), San Pablo Medical Colleges (SPMC), Calamba Medical Center (CMC), Batangas Medical Center (BatMC), Philippine Red Cross, at NL Villa Memorial Medical Center.

Makikipagtulungan ang DOH 4-A sa iba’t-ibang mga ahensya ng gobyerno at pribadong grupo gaya ng Quezon Medical Center (QMC), Gender and Development CALABARZON, Quezon Provincial Government, Integrated Provincial Health Office of Quezon at Alagang Kapatid Foundation Inc. para maisagawa ang month-long blood donation drive.

Narito ang schedule at lokasyon ng mga isasagawang blood donation drives:

June 9, 2022 – Buenavista Municipal Function Hall, Buenavista, Quezon
June 10 – San Juan Gymnasium, Taytay, Rizal
June 11 – Los Banos, Laguna
June 13 – 2nd Floor Tower Mall, Trece Martires City, Cavite
June 14 – Lipa City Youth and Cultural Center, Lipa City, Batangas
June 16 – Quezon Convention Center, Lucena City
June 17 – TV5 Media Center, Reliance St., Mandaluyong City
June 17 – Tanay Gymnasium, Tanay, Rizal
June 17 – Batangas Police Provincial Office, J.P., Laurel Highway, Camp Malvar, Batangas City
June 18 – 5th Field Artillery Battalion, Army Artillery Regiment Philippine Army, Tanay, Rizal
June 18 – Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Lucena City, Quezon
June 23 – Talisay RHU, Poblacion 5, Talisay, Batangas
June 24 – Mendez Covered Court, Mendez, Cavite
June 29 – General Trias, Cavite