KAUNA-UNAHANG BANDERITAS FESTIVAL ISINAGAWA SA BAYAN NG CUENCA SA BATANGAS

📷 Tuknie Kurtiz

John Raphael Abu

Sa katatapos lang na isang mahabang selebrasyon ay taos-puso ang pasasalamat ng organizers ng KAMPAYGA sa Cuenca sa mga mamamayan ng nasabing bayan.

Isa sa naging tampok sa long month celebration ay ang Banderitas Festival na sinasabing naitala sa kasaysayn ng bayan na pinakamahaba at pinakagarbong parada sa kahabaan ng St. Isidore street Corner General Luna Street noong April 27.

Laking pasasalanat din sa Hermano Mayor, Former Mayor Edmund Hari Remo kasama ang kanyang may bahay na si Mrs. Diana Remo, sa mga local and abroad cash donors, mga naging hosts at organizers Ng Week End Events, sa LGBT Cuenca, Truepang Layas at higit sa lahat sa mga Banderitas Contestants na naging katuwang sa pagpapaganda ng KAMPAYGA.

Ayon sa panayam kay Chairman Tutnie Kurtiz, tumagal hanggang Mayo ang pagdiriwang. Noong Abril 23, nagkaroon ng amateur singing contest, Abril 30 ay may dalwang live band na naghandog ng entertainment. Mayo 13 naman ay may Batang 80’s and 90’s Dance Party, sa Mayo 14, disperas ng kapiyestahan ay nagkaroon Car and Motor Bike show. Sa gabi ng kapiyestahan, Mayo 15 ay nagkaroon Miss Gandemic hatid ng LGBT Cuenca. Noong Mayo 21 ay may Ballroom Dance at sa Mayo 28 ay nagkaroon ng KAMPAYGA’s Flower of May, bersion ng Flores de Mayo ng Cuenca.

Dagdag pa nito, ito ay makasaysayan dahil ito ay isa sa longest festivals at kauna unahang Banderitas Festival sa mundo.

Napatunayan ng selebrasyon ang katagang “Kung Sama-sama,  Kayang-kaya”