KITCHEN WASTES MANAGEMENT AT FERMENTATION TRAINING ISINAGAWA SA LAGUNA

📷 LAGUNA ENRO

Tricia Mirambil

Matagumpay na isinagawa ang Kitchen Wastes Management and Fermentation Training na ginanap sa mga bayan ng Lumban at Magdalena, Laguna, ika-25 at 26 ng Mayo taong kasalukuyan.

Patuloy ang tanggapan ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) sa pagsisimula ng proyekto na dinaluhan ng 78 katao na nag mula sa dalawang bayan. 33 ang lumahok mula sa 16 na barangay ng Lumban at 45 naman mula sa 24 na barangay sa bayan ng Magdalena.

Kasama sa mga lumahok sa naturang proyekto ay ang mga lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Municipal Environment and Natural Resources Officers G. Efren Porciuncula (Lumban) at G. Norman Licong (Magdalena).

Sa tulong ng tanggapan ng Field Agricultural Extension Services- Office of the Philippines Agriculture (FAES-OPAg) at ng mga lokal na pamahalaan sa bayan ng Laguna, magpapatuloy ang PG-ENRO sa pagpapatupad ng proyekto upang ang mga residente ay magkaroon ng dagdag na kaalaman sa pagbuburo ng mga organikong basura.