MAKABAGONG BARANGAY CHAPEL SA BAYAN NG BAUAN, PINASINAYAAN

John Raphael Abu

Maganda, kakaiba at de-Aircon pa. Iyan ang komento ng ilang mamamayan ng Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Bauan sa Batangas pagkatapos pasinayaan sa publiko ang bagong gawang Chapel kahapon, ika-6 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Nagsimula ang pagdiriwang sa blessing ng Chapel kasama ang mga mamamayan ng Sto. Domingo, mga opisyales ng barangay, at ng pandangal na panauhin, Dra. Reina Abu bilang kinatawan ni Congressman Raneo Abu.  Nasundan ito ng isang Banal na Misa na pinangunahan ni Father Eric Arada.

Naging posible  ang blessing dahil sa inisyatibo ng pamunuan ng Barangay sa pangunguna ni Barangay Captain Reynaldo Medrano at ng Sangguniang Kabataan.

Laking pasasalamat naman ng mga taga-Sto.Domingo sa mag-asawang Pedro Dimaculangan Hernandez at Jovita Buenviaje Hernandez sa pagbibigay ng lupa para sa chapel. Nagpasalamat din ang pamunuan kina Mr. Alfie Santoyo, Mayor Ryanh M. Dolor at kay Congressman Raneo E. Abu.

Ang nasabing chapel ay disensyo ni Carl Cedrick Alejandre at ni Mrs. Arlene Agito.