14 HIKERS NA TAGA-CAVITE, NAILIGTAS SA PAGSABOG NG MT. BULUSAN

Don Christian Ramos

Nailigtas mula sa pagputok ng Mt. Bulusan ang labing apat (14) na hiker mula sa lawigan ng Cavite sa pagsabog nito noong nakaraang Linggo.

Tinulungan sila ng mga awtoridad mula sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa bayan ng Barcelona, Sorsogon.

Ayon kay Barcelona MDRRMO Chief Leo Paul Ferreras, nagsimula ang mga hiker sa Barangay San Ramon ng alas-11 ng umaga noong Sabado. Nagpapatrulya ang mga tauhan sa barangay ng mga malapit sa bulkan upang palikasin at swerte na nakita ng mga awtoridad ang mga hiker.

Natalang sumabog ang bulkang Bulusan bandang alas-10:37 ng umaga noong Linggo. Pagkatapos ng pagsabog ay kasalaukuyang tumahik ang bulkan.

Ayon sa PHIVOLCS, dalawang bayan sa Sorsogon, Juan at Casiguran, ang tinamaan ng ashfall. Bukod pa ito sa tatlong barangay sa bayan ng Irosin, ayon sa lokal na awtoridad.