DE LA SALLE UNIVERSITY LIPA AT UNIVERSITY OF BATANGAS-LIPA, GINAWARAN NG PARANGAL

Alynna Marie Calayag

Kinilala ng Sangguniang Panlungsod ng Lipa sa pangunguna ni Vice Mayor Makmak Luancing ang dalawang unibersidad matapos makapagpamalas ng mahusay na resulta sa nagdaang 2020- 2021 Bar Examination noong Lunes, ika-6 ng Hunyo 2022.

Kabilang ang De La Salle University- Lipa sa ginawaran ng parangal matapos itong pumangatlo sa listahan ng Top Law Schools na mayroong 51 to 100 candidates na may passing rate na 92. 4528 %. Isa rin ang University of Batangas- Lipa sa nakatanggap ng parangal matapos pumang-apat sa listahan.

Ginanap din ang paggawad ng pagkilala kay Chief Master Sergeant Nelson Mercado na nakamit ang pinakamataas na posisyon sa Philippine Air Force Enlisted Corps.

Dumalo upang tanggapin ang parangal sina DLSL Admins Dr. Erik Martinez (Chancellor), Dr. Iezyl Torino (Vice Chancellor), DLSL College of Law Dean Emerito Enginco, DLSL Law Faculty Members Judge Danilo Sandoval, Fiscal Shiela Sarmiento, at Judge Pam Chavez-Izon. Dumalo rin si Atty. Hernando Perez Jr mula naman sa UB College of Law Batangas.