
Jenica Villanueva
Inorganisa ng iba’t-ibang mga youth at student groups ang isang kampanya na naglalayong mabawasan ang mga insidente ng teenage pregnancy at maagang pakikipagtalik ng mga kabataan nitong Hunyo 6 at 7 sa Jacobo Z Gonzales Memorial National High School, Biñan City.
Pinangunahan ito ng You-for-You (U4U) Teen Trail Initiative na naghahangad na mas mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa maagang pakikipagtalik at ang mga panganib na maidudulot nito gaya ng pagkakaroon ng sexually transmitted infections (STIs) at teenage pregnancy.
Mga kabataang edad 10-17 ang mga dumalo at nag-organisa ng programa, sa pakikipagtulungan ng Commission on Population and Development (POPCOM) 4-A, Biñan City Population Office, at City Health Office I and II.