MEMORANDUM OF AGREEMENT PARA SA IMPLEMENTASYON NG YAMANG LUPA PROGRAM, NILAGDAAN NA

📷 Jayvee Amir P. Ergino/ DA RFA-4A

Alynna Marie Calayag

Opisyal nang nilagdaan ng Department of Agriculture Region IV-CALABARZON  ang Memorandum of Agreement para sa implementasyon ng programang Yamang Lupa: Sustainable Community-Based Action R4DE for Livelihood Enhancement, Upliftment, and Prosperity (YL: SCALE UP) Program in Quezon Province sa  ginanap na Ceremonial MOA Signing sa Lipa Agricultural Research and Experiment Station Conference Hall, Batangas, Hunyo 6.

Mahigit P5,480,000 halaga ng pondo ang nakalaan sa nasabing programa na makatutulong sa dalawang libong magsasaka mula sa Pagbilao at Tayabas Quezon na ang pangunahing layunin ay panatilihing malusog ang lupang taniman gamit ang makabago at sustenableng paraan ng pagsasaka. Layunin din ng proyektong pataasin ang ani at kita ng mga magsasaka.

Kabilang sa programa, na inaasahang magsisimula ngayong Hunyo at magtatagal hanggang Disyembre 2022, ang pagpapatupad sa mga components tulad ng Program Management Structure and Policies; Productivity Enhancement and Natural Resource Management Towards Sustainable Farming; Capability Building and Community Empowerment; at Sustainable Livelihood, Marketing and Income Enhancement.

Dumalo sa Ceremonial MOA Signing sina Officer-inCharge -RTD for Research and Regulations Engr. Marcos Aves, Sr., OIC-RTD for Operations and Extension Engr. Abelardo Bragas, Department of Agriculture -BAR Assistant Director G. Joel Lales, YL National Program Director Dr. Virgilo Julius Manzana, Jr., DA-4A Research Division Chief Gng. Eda Dimapilis at Assistant Chief Gng. Aida Luistro, DA-4A Regional Soils Laboratory Chief Gng. Nora Talain, YL Region 4A Project Leader Dr. Dario Huelgas, at iba pang kawani ng DA-4A.