SAMPUNG MIYEMBRO NG TAU GAMMA PHI NA SANGKOT SA PAGKAMATAY NG GRADE 12 STUDENT SA LAGUNA ARESTADO

đź“· Laguna PNP

Don Christian Ramos

Inaresto ng Philippine National Police ang sampung miyembro ng Tau Gamma Phi fraternity matapos iugnay sa pagkamatay ng Grade 12 student sa sumailalim sa initiation rite sa Kalayaan, Laguna.

Kinilala ang mga suspek na sina Art Jay Nadal; Jerwin Caraig, 25; Johndel Ponce, 26; Kevin Perez, 23; Kirby Galero; Kris Jairo Cabiscuelas, 25; Leo Sandro Duco, 20; Osama Sotomayor, 20; Paulo Lacaocao, 23; at Wilson Maestrado, 31.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 28 sa Sta. Cruz, Laguna, naaresto ang mga suspek sa isinagawang police operation.

Sangkot umano ang ang sampung suspek sa pagkamatay ni Reymarc Rabutazo, 18 yrs. old, matapos sumailalim sa initiation rites noong Marso.

Ayon kay Laguna Police Director Col. Cecilio Son Jr., ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa republic act 11053 o Anti-Hazing Act of 2018.