10 ARTIFICIAL REEF INALATAG SA CALATAGAN, BATANGAS

📷 Calatagan Municipal Agriculture- Menro Facebook Page

Kristalane May H. Napoles

Nasa sampung (10) units ng Artificial Reef at imahe ng Mahal na Sto Nino ang inilatag sa Municipal Waters ng Calatagan sa tapat ng Barangay Balibago, Calatagan Batangas, ngayong araw ng Huwebes ika-9 ng Hunyo, 2022.

📷 Calatagan Municipal Agriculture- Menro Facebook Page

Ang aktibidad ay naisagawa sa pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Calatagan, ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Heirs of the World Inc., kaagapay ang Calatagan Bantay Dagat members, Philippine Coastguard at Arm Forces of the Philippines

📷 Calatagan Municipal Agriculture- Menro Facebook Page

Kasabay nito, nagkaroon din ng Mangrove Planting Activity ang mga nanalong kandidata ng Miss Philippines Earth 2021.

Bukas ang tanggapan ng MENRO sa mga aktibidad at kolaborasyon sa mga organisasyon na may layunin na protektahan ng ating karagatan.