CORN PRODUCTION TRAINING ISINAGAWA SA IBAAN, BATANGAS

📷 Mayor Joy Salvame Facebook Page

Denise Abante

Isang Corn Production and Livestock Integration Training ang isinagawa ng Department of Agriculture Regional Field Office 4A (DA RFO-4A) para sa mga magsasaka ng mais sa bayan ng Ibaan, kamakailan.

Pinangunahan ni G. Alexander Calingasan ng Department of Agriculture ang pagsasanay na naglalayong mapa-unlad ang taniman ng mais upang mas maparami pa ang maaning produkto at matugunan ang malaking pangangailangan ng livestock industry partikular na sa paggawa ng pakain para sa mga alagang hayop.

Lubos naman ang naging pasasalamat ng lokal na pamahalaan ng Ibaan at Ibaan Municipal Agriculture Office nang matugunan ang kanilang hiniling na pagsasanay para sa mga mamamayan upang madagdagan pa at magbigay kaalaman para sa mas ikauunlad ng pagsasaka sa bayan.