FOOD LANE PROJECT ORIENTATION, ISINAGAWA NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE

John Raphael Abu

Sa pangunguna ng Department of Agriculture IV-A CALABARZON at sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division o AMAD ay nagsagawa ng isang orientation ukol sa Food Lane Project noon ika-7 ng Hunyo.

Ang aktibidad na ito ay may layuning ipaalam sa mga truck owners, operators at drivers ang mga panuntunan at proseso sa pagkuha ng Food Lane Accreditation .

Ang Food Lane Project ay ang sama-samang pagsisikap ng Department of Agriculture, Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang magkaroon ng mas mabilis at ligtas na paghahatid ng mga produkto sa Metro Manila.

Laking pasasalamat naman ng mga drivers sa pagsisikap ng organisasyon at ng ilan pang mga kasapi dahil sa pagpapadali ng pagdadala ng mga pagkain sa ibang parte ng bansa.

Nagpasalamat din ang pamunuan sa pangunguna ni Assistant Secretary for Operations at Regional Executive Director Arnel V. De Mesa, sa pagiging kaagapay sa paghahatid ng mga produktong agrikultura ng mabilis at ligtas.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong sina DA-4A AMAD Assistant Division and Agribusiness Industry Support Section Chief G. Justine Marco M. Vivas, PNP Regional Highway Patrol Unit 4A Police Chief Master Sergeant G. Lian E. Manalo, at sina DILG Bureau of Local Government Supervision Local Government Operations Officer V Engr. Emelita V. Danganan, MMDA Inspectorate Group Chief Inspectorate G. Miguel E. Panal sa pamamagitan ng Zoom at iba pang kawani ng DA-4A.