PROYEKTONG RESTORATION VILLAGE NG LYCEUM BATANGAS KINILALA

📷 Dr. Alex Ylagan of LPU-B

John Raphael Abu

Pinarangalan ang Lyceum of the Philippines University-Batangas ng St. Teresa of Calcutta Award sa katatapos lamang na 2022 New Evangelization Conference na pinamunuan ng Live Christ Share Christ o LCSC Mission noon Hunyo 4.

Ibinibigay ang pagkilala sa isang parokya, organisasyon ng simbahan o ng kabataan, institusyon, o programa ng simbahan na nagpapakita ng buong puso sa paglilingkod para sa mga mahihirap. Ang nasabing samahan ay naghahangad na radikal na tugunan ang mga kasamaan na sumisira sa lipunan habang ito ay nagbibigay daan para sa komunidad at mga pamilya na umunlad.

Nabigyan ng pagkilala ang LPU-B dahil sa pagkakaroon nito ng konkretong programa para sa mga mahihirap kung saan nakapag-patayo ang LPU-Batangas ng 50 bahay sa Sico Batangas City sa tulong ng Missionary Families of Christ.

Ang mga naninirahan dito ay masasabing mahihirap at walang mga tahanan. May maayos na water supply, clinic at livelihood programs.

Pinahiram din sila ng unibersidad ng pambayad sa sariling sub-meter ng kuryente na nagsilbing cooperatiba nila.

“Masasabi ko sa tulong ng LPU-Batangas at Missionary Families of Christ nagbago buhay nila simula ng tumira sila sa SHL Restoration Village.  Maraming salamat sa Live Christ, Share Christ, non profit organization, dahil sa binigay nyo award sa LPU-Batangas. Magsisilbi itong inspirasyon sa LPUB, para lalo pa kaming tumulong sa mga nangangailangan.” aniya ni Dr. Alex Ylagan, Director ng Community Extension Office.