NATIONAL UNIVERSITY, BUBUKSAN SA LIPA CITY

📷 NU Lipa Facebook Page

Alynna Marie Calayag

Magkakaroon ng official launching ang bubuksang National University- Lipa Campus na gaganapin sa Events Center ng SM City Lipa, bukas, ika-11 ng Hunyo.

Nakatakdang ganapin ang campus tour at motorcade bilang bahagi ng launching na dadaluhan naman ng mga miyembro ng NU Men’s Basketball Team, NU Men’s Volleyball Team Members and Coaches, NU Percussion Department and Cheer Squadron, NU Chorale at NU Underdawgz.

Pormal naman na magsisimula ang face-to-face classes ng National University Lipa sa ika-15 ng Agosto 2022 kung saan nag-aalok ang unibersidad ng mga kurso tulad ng BS in Accounting, BS Business Administration Major in Financial Management, BS Business Administration Major in Marketing Management, BS in Civil Engineering, BS in Computer Science, BS in Information Technology, BS in Medical Technology, BS in Nursing at BS in Psychology.

Isa ang National University-Lipa sa mga ibang campus ng unibersidad sa buong bansa tulad ng : NU Manila, NU Laguna (Sports Academy), NU Fairview, NU Mall of Asia (College of Dentistry), NU Baliwag at NU Dasmariñas.