SUSPEK PATAY SA BUY-BUST OPERATION SA TAYTAY, RIZAL

Rachel Faith Mago

Patay ang drug-drealer suspek na kinikilala sa kaniyang alias na ‘Tonton’ sa Taytay, Rizal noong madaling araw ng ika-9 ng Hunyo.

Naganap ang buy-bust operation sa Block 30, Purok 4, Sitio Lupang Arenda, Brgy. Sta Ana nang kanyang mapaghinalaan na ang buyer ay isang police officer.

Matapos makumpleto ang buy-bust transaction, sunud-sunod na putok ng baril mula sa armadong suspek patungo sa mga operatiba na naging dahilan para dumepensa ang mga ito at gumanti ng putok.

Agad namang tumawag ng ambulansya ang mga pulis ngunit idineklara ng rumespondeng Taytay MDRRMO na ang suspek ay dead-on-the-spot.

Nirequest ang Rizal Provincial Forensic Unit para iproseso ang crime scene at ang mga narecover na isang (1) maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, limang daang peso bill (buy-bust money) at isang kalibre .45 na pistola.

Batay sa report, ang suspek na si ‘Tonton’ ay miyembro ng Alex Almojela Criminal Group na sangkot sa mga serye ng operasyon ng ilegal na droga at mga insidente ng pagnanakaw sa loob ng Taytay, Rizal area.