3-ANYOS, NILUNOD AT INILIBING NG NANAY SA ILOG

Ylou Dagos

Isang tatlong taong gulang na batang lalaki ang nilunod at pagkatapos ay inilibing ng kanyang nanay sa gilid ng ilog sa Catanauan, Quezon.

Batay sa report ng Catanauan police, nadiskubre ang krimen matapos na magtungo sa himpilan ng pulisya ang nakasaksi sa pangyayari na si Lenie Monterey, kasama ang kanyang lola at isang barangay kagawad at ipinagbigay alam ang pangyayari nitong Huwebes, June 9.

Ayon kay Monterey, bago umano nilunod ng ina  na si Lyn-Lyn Capio Monterey, 25,  residente ng  Sitio Halindog, Brgy. Sta. Maria Dao, Catanauan, ang kanyang anak na si Jomar Monterey noong May 29 ng hapon, ay narinig niyang nagsalita na hirap na umano ito sa pag-aalaga sa kanyang anak.

Matapos lunurin sa ilog sa Sitio Central, Brgy. Sta. Maria Dao ang anak ay naghukay ang babae at inilibing ang anak sa tabing ilog.

Nang puntahan ng mga imbestigador ang lugar, nahukay ang labi ng biktima na halos ay naagns na.

Ayon kay PCMS Esperidion Tan Luistro Jr., imbestigador ng Catanuan police, may sakit sa pag-iisip ang nanay na nakuha nito ng magkasakit ito ng noong bata pa.

Malimit umanong pagala-gala sa barangay ang nanay hanggang sa magbuntis na lamang ito at isilang ang bata.

Pinag-aaralan pa ng pilisya at ng mga kaanak kung sasampahan pa ng kaso ang nanay.