MGA BIKTIMA NG SUNOG SA SAN PEDRO TUMANGGAP NG TULONG

📷 San Pedro City Laguna Facebook Page

Jenica Villanueva

Nagbigay ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa mga biktima ng sunog sa Anakpawis, Villarosa, Brgy. Estrella noong Hunyo 9, 2022.

Ayon kay Mayor Lourdes S. Cataquiz, namahagi ang City Social Welfare and Development Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office at Rescue Teams ng mga sanitary at hygiene kits at grocery packs katuwang ang Pamahalaang Barangay ng Estrella.

Ang mga apektadong pamilyang ay pansamantalang nanunuluyan sa Brgy. Estrella Covered Court.