
Ginunita ngayong araw ang ika-124 na Araw ng Kalayaan sa bayan ng Balayan, Batangas na may temang “Kalayaan 2022: Pagsuong sa Hamon ng Panibagong Bukas.
Ang pagdiriwang ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Balayan katuwang ang pamunuan ng Balayan Police sa pangunguna ni PMAJ Alberto Heyres Nogoy JR.

Ang programa ay sinimulan sa pamamagitan ng isang Flag Parade sa Plaza Mabini-Plaza Rizal area.
Sinundan ito ng isang maikling programa sa tapat ng Balayan Presidencia (Old Municipal Building) na pinangunahan ni Konsehal Joebert Mapalad.

Ang pagpupugay sa watawat ay inialay ni Engr. Pierre Luigi B. Arroyo ng Sixto Lopez (Batulao) Masonic Lodge No. 129.

Bilang pagtatapos ay nag-alay ng bulaklak ang mga dumalo sa iba’t ibang bantayog. Nakiisa sa programang ito ang TriBureau kasama ang PNP-SAF, Sangguniang Bayan Members, Department Heads, iba’t ibang Non Government Organizations at ilang mga pribadong kumpanya.