MAHIGIT 1000 MAGSASAKA AT MANGINGISDA NABIYAYAAN SA PROJECT TULONG SA PAG-AHON

Jenica Villanueva

Naghatid ng mga pantulong sa pagsasaka at pangingisda ang mga staff ng Field Agricultural Extension Services, para sa ikalimang bahagi sa taong ito ng Project Tulong Sa Pag-ahon.

Apat na araw na binaybay ng mga kawani ang lungsod ng Biñan, Cabuyao, at bayan ng Los Baños, Bay at Alaminos sa loob ng 4 na araw at nagtapos noong Hunyo 7.

Sa tulong ng mga City/Municipal Agriculture Office, muling namahagi ng mga abono, pestisidyo at gamit pampangisdaan ang tanggapan.

Ito ay may kabuuang mahigit sa 900 ang naging benepisyaryong magsasaka samantalang mahigit 200 ang para sa mga mangingisda.