SINCE 1950’s, BURGOS HALO-HALO PATOK PA RIN SA CALACA, BATANGAS

📷 Kristalane May H. Napoles

Kristalane May H. Napoles

Isa sa pinaka-sikat na dessert lalo na sa tag-init sa Pilipinas ay ang Halo-halo. Kadalasan, ang lahok sa halo-halo ay mais, saging, kamote, sago’t gulaman, nata de coco, pinipig at langka, at kung special halo-halo naman nilalagyan ito ng ube halaya, ice cream, macapuno at leche flan sa ibabaw.

Sa paglipas ng panahon, sari-saring bersiyon din ng halo-halo ang umusbong, iba’t ibang paraan upang maging mas masarap at kaiga igayang tingnan . Ilan dito ay ang paglalagay ng mga iba pang mga sahog at sangkap.

📷 Kristalane May H. Napoles

Ngunit kung ang hanap mo naman ay simple, no frills deal and classic na lasa ng halo-halo, “BURGOS HALO-HALO” ang para sayo.

Ang Burgos Halo-Halo ay isang sikat na halo-haloan sa Calaca, Batangas. Sila ang pinakamatandang halo-haloan sa lugar.

Ito ang lumang kaskasan ng yelo na ginagamit noon. 📷 Kristalane May H. Napoles

Taong 1950’s nang binuksan ng mag-asawang Narcisa Fely Malabanan at Ausberto ‘Burgos’ Malabanan ang negosyo na ito. Ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan dala parin ang sarap at ibang linamnam na nagmula pa noong 1950s.

📷 Kristalane May H. Napoles

Kung isa kang food explorer at magagawi sa south, isama ang Burgos Halo-Halo sa iyong bucket list at bumalik 60 years ago .

Halina at tikman kung ano ang lasa ng Halo-halo ng mga taga Calaca noong 1950s!