37 KATAO, TIMBOG SA ILIGAL NA SUGAL

📷 Batangas PNP Public Information Office

Alynna Marie Calayag

Timbog ang nasa 37 katao mula sa iba’t-ibang bayan sa probinsya ng Batangas matapos ang isinagawang anti-illegal gambling operations ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) na sinimulan noong Hunyo 1 hanggang Hunyo 12.

Kabilansa sa mga naaresto ang mga kubrador ng jueteng/STL bookies at mga manlalaro ng sugal tulad ng tupada, tong-its, cara y cruz, video karera at color games. Umabot naman sa P11, 838 na halaga ng pera ang nasamsam sa isinagawang operasyon.

📷 Batangas PNP Public Information Office

Payo naman ni PRO CALABARZON Regional Director Police Brigadier General Antonio Yarra na huwag tangkilikin ang mga iligal na pasugalan at ilaan na lamang ang pera at oras sa mas kapaki-pakinabang na  bagay.

Patuloy naman ang pagpapaigting ng kapulisan sa kampanya kontra kriminalidad sa probinsya ng Batangas.