INAGURASYON NG ‘BIGGER, MODERN BATANGAS PORT

📷 Philippine Ports Authority Facebook Page

Rachel Faith Mago

Dinaluhan nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, kasama ang Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Santiago ang seremonya ng inagurasyon ng upgraded Integrated Passenger Terminal Building ng Port of Batangas sa Batangas City ngayong araw.

Nakumpleto na ang Phase 1 at 2A at ang pasilidad ay maaaring tumanggap ng hanggang 4,000 pasahero sa anumang partikular na oras.

Samantala, kapag natapos na ang konstruksyon ng Phase 2B, ang Batangas Port ay ituturing na pinakamalaking terminal port sa bansa na may kapasidad na 6,000 pasahero sa anumang oras.

Matagumpay na natapos ng DOTr at PPA ang pagtatayo ng Phase 1 at Phase 2A ng mas malaki at modernong integrated Batangas PTB.

Ang 15,000 sqm PTB na ito ay nagtatampok ng mga ganap na naka-air condition na lounge at PWD-friendly na mga pasilidad upang mag-alok ng mas maginhawa at komportableng paglalakbay sa dagat para sa mga pasahero.

Ang na-upgrade na daungan ay may kakayahan na ngayong maghatid ng mas mahusay, tuluy-tuloy, mas ligtas, at maginhawang paglalakbay sa dagat sa ating mga lokal at bisita.

Ang mga pag-unlad na ito ay nakikita rin na higit na makapagbibigay ng kabuhayan sa mga Batangueño dahil mas maraming oportunidad sa trabaho ang mabubuksan at inaasahang magdudulot ng paglago ng ekonomiya at turismo sa CALABARZON.