‘OUT OF THIS COUNTRY FOOD EXPERIENCE’

John Raphael Abu

‘Korean craze is everywhere’. Iba ang naging epekto ng Korean culture sa Philippine Culture tulad ng sa musika, drama, at lalo na sa pagkain.

Hindi maikakaila ang pag-usbong ng iba’t-ibang mga korean restaurants at food stalls kabilang ang mga egg-drop sandwich businesses.

Sa kahabaan ng San Pascual Highway sa Batangas, kapansin-pansin ang isang egg-drop sandwich shop, kung saan pangalan pa lang mapapalingon ka na.

Seggway, isang egg-drop sandwich shop, patok, malinamnam at binabalikbalikan ng mga ‘korean at heart’.

Si Allesandra Eve Delos Reyes, may -ari ng Seggway.

Pumasok sa isipan ng may-ari ang ganitong pangalan dahil sa kanyang karanasan noon siya’y nasa kolehiyo pa lamang, kung saan ay mahilig silang mag-segue ng kanyang mga kaibigan at dito na siya nakakuha ng ideya.

Sa egg-drop sandwich, ang tinapay ay hinahati hanggang gitna lamang at habang kumakain ka ay pumapatak ang scrambled eggs pababa ng tinapay.

“This is not your typical egg-drop” ayon sa may-ari na si Alessandra Eve Delos Reyes.

Ang pinagkaiba nito ay meron itong ‘herbed brioche bun’ kung saan hindi ka mauumay kahit tinapay na lamang ang natira at syempre hindi rin mawawala ang secret and special sauce ng shop na ito, na syang nagdala sa kakaibang food tasting experience.

Ilan sa mga sikat na egg-drop sandwich ng Seggway ay HBC Supreme na may ham, bacon, cheese, hash brown at egg; Beef Bulgogi na may bulgogi experience at egg; Spam Gim Gui, na may korean spam, lettuce, roasted seaweed at egg; at kung ang hilig ay simple, meron silang Ultimate Egg and Cheese na may cheddar cheese, swiss cheese at scrambled eggs.

Tiyak na mapapa-annyeong Korea ka sa kakaibang food tasting experience sa egg-drop sandwiches ng Seggway. Kung may binge-watching ka ng K-drama, paniguradong mapapabinge-eating ka.