RSBA ENLISTMENT CARAVAN, ISINAGAWA SA NASUGBU

📷 DA RFO-4A

Alynna Marie Calayag

Mahigit 305 na magpapalay mula sa 22 barangay sa Nasugbu ang opisyal nang nakatala sa RSBA matapos ang tagumpay na pagpoproseso ng mga requirements sa isinagagawang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) Enlistment Caravan sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Pinangunahan ng Department of Agriculture-CALABARZON ang nasabing aktibidad at inaasahan naman na makakatanggap ang mga magpapalay ngayong taon ng dekalidad na hybrid and certified na binhi mula sa National Rice Program.

Layunin ng caravan na pataasin ang bilang ng mga RSBSA registered na magpapalay at maisama sa kabuuang listahan ng National Farmers’ and Fishers’ Online Registry System.

Lubos naman ang pasasalamat ni Banlikan Irrigators Association President, Danilo Mercado sa DA dahil pagbibigay nila ng pagkakataon na matulungan ang kanilang kapwa magsasaka.

Samantala, hinihikayat ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan sa CALABARZON na ipagpatuloy ang pagpapatala ng mga magsasaka at makinabang sa iba’t ibang tulong at programa ng Kagawaran ng Pagsasaka.

SOURCE: DA RFO-4A