2 FILIPINO- CHINESE NAKALAYA SA KIDNAPPER, 2 SUSPEK PATAY SA ENGKWENTRO

📷 PNP FB Page

Alynna Marie Calayag

Nakalaya mula sa umano’y mga kidnappers ang dalawang Filipino-Chinese matapos  ang sampung araw na pagkaka hostage sa mga mga ito, habang napatay naman sa follow-up operations ng mga awtoridad ang 2 suspek, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP)

Ayon kay PNP Officer-in-charge, Police Lieutenat General Vicente Danao Jr. Hunyo  4, 2022 nang kidnapin ng mga suspek ang mga biktima, isang 21 anyos na estudyante at ang kaniyang negosyanteng pinsan na 34 anyos,  sa Tondo, Manila.

📷 PNP FB Page

Humingi umano ng P100,000,000.00 ransom ang mga suspek upang palayain ang mga biktima.

Sa Calamba City, Laguna sana gaganapin ang pagaabot ng ransom sa mga kidnappers ngunit kalaunan ay inilihis sa Pakil, Laguna kung saan natanggap ng mga suspek ang ransom. Pinalaya naman ang mga biktima sa Famy, Laguna.

📷 PNP FB Page

Sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad, natunton ng operatiba ang get-away vehicle ng mga suspek at naganap ang engkwentro sa pagitan ng PNP at ng mga suspek na nagresulta sa pagkakapatay ng mga kidnappers sa Pililia, Rizal.

Nasugatan naman ang isa sa mga miyembro ng operatiba ayon sa report.

Kinilala ang mga suspek mula sa kanilang identification cards na sina Rolly Castillo at Jerameel Ventura.

Nasa kustodiya na ngayon ng Forensic Group ang mga nakuhang ebidensya upang dumaan sa pagsusuri.