‘COMPLETE MEAL’ NUTRIBUN IPINAMAHAGI  SA SAN PABLO CITY

📷 CIO San Pablo

Don Christian Ramos

Opisyal na inilunsad ang sariling bersyon ng “Enhanced Nutribun” sa pangunguna ni Mayor Loreto S. Amante kasama ang City Population Office sa pamumuno ni Ms. Mylene Ty sa Lungsod ng San Pablo.

📷 CIO San Pablo

Ang layunin ng programang inilunsad ng Lokal na pamahalaan ay upang mapanatili ang kalusugan ng mga buntis at mga nagpapasusong mga nanay alinsunod sa R.A 11148.

📷 CIO San Pablo

Ipinamahagi ni Mayor Amante at Tanggapan ng Populasyon ang mga Enhanced Nutribun sa ilang mga kababayang buntis.

Ang nasabing Enhanced Nutribun ay isang tinapay na masasabing “complete meal” sapagkat naglalaman ito ng sustansyang Vitamin A na kinakailangan ng katawan upang masugpo ang gutom at malnutrisyon sa Lungsod ng San Pablo.