DRUG CLEARED CERTIFICATION IGINAWAD

📷 CIO San Pablo

Don Christian Ramos

Iginawad sa apat na barangay (Atisan, San Lucas 1, San Mateo, V-A) ang Drug cleared certification at resolution nina Mayor Loreto S. Amante at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Officer Mark Bejemino kaisa sina Konsehal Nap Calatraba, DILG Officer Ms. Ma. Alma Barrientos at PLtCol Garry Alegre, COP, SPC-PNP kamakalawa sa Flag Ceremony sa Lungsod ng San Pablo.

📷 CIO San Pablo

Pinagkalooban ang apat na barangay ng cash incentives.

Tinanggap nina Barangay Chairmen Renato M. Guevarra ng Atisan, Rommel E. Cordano ng San Lucas 1, Rodelo C. Arceo ng San Mateo ang P200k na tseke; at P100k kay Ryan L. Magyawe ng V-A.

Ang nasabing cash incentives ay nakalaan para sa iba’t ibang proyekto para sa drug prevention at monitoring ng mga barangay.