SINIMULAN AT HINDI SINUKUAN, NGAYON AY MATAGUMPAY

Jenica Villanueva

“See the beauty”, ito ang katagang sinambit ng isang young entrepreneur ng mga beauty products sa Calaca, Batangas.

Jamie Socorro

Sa edad na 22 ay meron na siyang sariling produkto na patok na patok sa mga kabataan ngayon hindi lamang sa Calaca kundi nakakarating na din ang ‘Main Chic’ sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

May 30, 2021 nang simulan ni Jamie Socorro ang kanyang negosyo. Nagsimula sa 9 na pirasong liptints onhand at hindi nagtagal ay nakakapaggawa na siya ng 100 piraso sa loob ng isang buwan.

Aniya, “Tiyaga lang talaga at diskarte ang kailangan. When you enter the world of entrepreneurship wala na dapat sa dictionary mo ang word na sumuko even if it seems like the negatives are more than the positive ones.”

Si Jamie ang gumawa at nagplano ng lahat. Mula sa editing, planning, packing up to delivery and shipping process ay siya lahat.

Ang tatak, logo, packaging at mga pag-upload sa social media—lahat ay kanyang ideya. Pero pinapasalamatan nya ang ilang tao sa pagtulong sa kanya na magpasya para sa mga mahahalagang desisyon

Ayon kay Jamie, “ Beauty and cosmetic fascinates me”. Bagama’t sa sarili niya ay hindi siya makapag-apply ng make up at hindi niya alam ang iba’t ibang uri ng mga pampaganda ay gusto niya ang ideya na gawing maganda at makapangyarihan ang isang tao.

Ayon pa sa kanya, handa siyang matuto nang higit pa tungkol sa linya ng negosyo na papasukin. Bilang isang college student ngayon, uso ang liptints at hindi ito nauubos. Mayroong palaging isang tao na gustong bumili ng ganitong uri ng mga produkto na sa tingin niya ay isang magandang pamumuhunan.

“Kailangan mo lang maging mabuti sa lahat, gawin ang gusto mo, hanapin ang iyong hilig at gawin ito. Lahat ng bagay ay posible.”

“I was inspired by Miss Viy, naming her products to people that helped her and inspired her throughout her journey of cosmetic. Masaya ako na naririnig ko yung pangalan nila every time na nagma manage ako ng business. And they are the ones na andyan nung nagsimula ako na mangarap mag negosyo. Although di pa sya ganon ka laki, pero I can say na at some point may naitutulong naman ito sa akin. Not much sa financially but sa mental health ko super laking tulong sa akin. Doing business calms me and I think there is nothing that can stop me doing it.”

Madaming pagsubok ang pinagdaanan ng owner ng Main Chic, kasama na ang break up nila ng partner niya na kasama mag start and build ng kanyang business. Trial and error ang lahat na hindi maiiwasan at lalong dapat hindi natin kinakatakutan. Bukod sa Liptints, nag oonline sell din si Jamie ng mga ukay bundles, nagpaparipa ng basic necessities at kung ano ano pang adventures ng isang merchant.

“Worth it. Sa lahat ng decision na ginawa ko eto yung isa na hindi ko yata kelan man pagsisisihan. Proud ako sa Main Chic, sa dami ng lugar na kanyang narating. Sa mga taong kanyang napapasaya at lalo na ako. Worth it ang lahat ng pagod sa paghahandle ng negosyo lalo pa at nakikita mo yung bunga ng mga pawis at pag iisip mo. Kaya kung ano man yang nais mong simulan o nasimulan na, wag mong sukuan, wag mong tigilan. Babalik sayo yung mga pure intentions mo. Padayon.” ayon kay Jamie

Dagdag pa nito, “Kung hindi man sa sarili mo, sa ibang tao, sa mga nakapaligid sayo, laging mong tingnan yung magagandang bagay. Sa positibo ka tumingin at magpa salamat sa mga blessing na meron ka, i appreciate yung mga taong hindi sumusuko sayo, appreciate mo rin yung sarili mo. Dahil palagi kang nagpapatuloy. Pahinga ang kaakibat ng pagod hindi pagsuko”.