EBD BLADES NAGTANGHAL SA CONCERT AT THE PARK

📷 Palakat Batangas City Facebook Page

Rachel Faith Mago

Nagtanghal sa Concert at the Park ang Batangas City EBD Blades noong ika-19 ng Hunyo sa Rizal Park, Open Auditorium.

📷 Palakat Batangas City Facebook Page

Ito ay bilang pagdiriwang ng National Flag Day na bahagi ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan at ng kapanganakan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

📷 Palakat Batangas City Facebook Page

Ang EBD Blades ay isang grupo ng mga mag-aaral sa high school at college sa lungsod.

Kabilang dito ang mga mag-aaral ng Batangas City High School for the Arts (BCHSA).

📷 Palakat Batangas City Facebook Page

Sinayaw ng grupo ang “Lilok” bilang pagbibigay pugay sa mga Pilipinong iskultor at manlililok at pati din ang “Kanayaw” na isang salitang Maranao na ang ibig sabihin ay pula at sumisimbolo sa pukaw na damdamim, malay at silakbo.