TAAL EVACUEES SUMAILALIM SA PAGSASANAY SA FINANCIAL LITERACY

📷 DOST Batangas Facebook Page

Rachel Faith Mago

Sumailalim sa pagsasanay sa financial literacy at management ang mga residente na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal noong 2020.

Ginanap sa bawat munisipalidad ng Agoncillo, Laurel, San Nicolas, at Talisay ang pagsasanay bilang paghahanda sa operasyon ng kanilang mga community enterprise na pinondohan ng DOST.

Kumuha ng mga eksperto mula sa Batangas State University (BatStateU) – College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management (CABEIHM) ang DOST-Batangas  para magbigay ng pagsasanay.

Ang mga teknikal na eksperto na nagsilbi bilang resource speaker ay sina Dr. Amor Ilagan, Dr. Mary Grace Mandane, G. Jayson Reyes, Ms. Ida Kristina P. Ramos at Ms. Leslie T. Calcetas. Ang pagsasanay ay sumasaklaw sa mga paksa patungkol sa entrepreneurial mind setting, bookkeeping at financial management.