LASING NAGHAMON NA IPAKULONG, SWAK SA SELDA

Ylou Dagos

Natupad ang hamon ng isang nagwawalang lasing na ipakulong siya matapos na ito ay damputin ng mga pulis habang patuloy na nag-aalburuto sa Lucena City.

Himas-rehas sa kulungan ang suspek na si Reynante Senior, 30 anyos, construction worker at residente ng Barangay Cotta.

Batay sa report ng Lucena police, maghahating gabi ng Martes nang magwala ang suspek sa kanilang lugar at pinagbababato ang ang bahay ng kapitbahay nitong si Odlanyer Rafa.

Winasak pa ng suspek ang bakod ng bahay ng biktima habang  sumisigaw ng : “Papatayin ko kayo! pangungulungan ko kayo! wala akong pakialam tumawag pa kayo ng pulis!”.

Napilitang tumawag ng pulis ang biktima na siyang dumapot sa suspek na ngayon ay nakakulong pa sa Lucena Ciy police station locked up cell at nahaharap sa kasong  Alarms and Scandals, Malicious Mischief and Lights Threats.