EX-REP.OSCAR GOZOS INABSWELTO NG SANDIGANBAYAN SA KASONG GRAFT

Arnell Ozaeta

Batangas – Pinawalang sala ng Sandiganbayan si dating 4th District Congresman Oscar Gozos at 7 Regional Officials ng Department of Agriculture(DA) sa kasong graft

Sa 23-pahinang desisyon ng anti-graft court noong June 24, inabswelto si Gozos, et al sa pagbili ng farm equipment sa halagang P3M sa ilalim ng “Ginintuang Masaganang Ani” program ng DA noong 2004.

Kabilang din sa mga inabswelto sina DA-Batangas District regional executive director Dennis Araullo at mga field unit personnel na sina Juvylee Obice, Raymundo Braganza, Abelardo Bragas, Felix Ramos, Ofelia Montilla, at Remus Villanueva.

Isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan ang kaso laban sa mga akusado noong 2011 batay narin sa rekomendasyon ng Senado sa isinagawang inquiry noong 2005.

Ang naturang programa, na tinawag ding P728-million farm input fund, ay may layuning i-modernize at paunlarin ang sektor ng agrikultura. 

Ang naturang pagbili ng farm equipment ay isinagawa sa pamamagitan ng direct 

contracting at hindi dumaan sa public bidding.

Ayon sa Sandiganbayan, nabigo ang prosecution na ipakita na may makukuhang mas magandang deal ang gobyerno sa pagbili ng apat na tornado/chopper farm equipment maliban sa LCV Design, na sya ring imbentor, manufacturer at exclusive distributor. 

Nabigo din ang prosecution na patunayan na may iba pang kumpanya na gumagawa ng naturang makinarya para ipang-subtitute o makukuha sa mas mababang presyo. 

Samantala, ang kaso naman nina Gregorio Sangalang at Balagtas Torres na kapwa at-large ay inilagay sa archive ng anti-graft court.